Nagpaalala ang Social Security System (SSS) sa mga miyembro nito at mga employer na tiyaking tama at valid ang kanilang disbursement accounts na i-e-enroll sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) sa pamamagitan ng My.SSS portal.
Ayon kay SSS President and CEO Aurora Ignacio, ang mga maling input ng account number o hindi tamang uploaded na proof of account ay mauuwi lamang sa rejection sa disbursement account enrollment application.
Hindi lamang doble kundi triplehin dapat ng mga miyembro na i-check ang mga impormasyong ipinapasok para maiwasan ang anumang abala sa pag-e-enroll ng kanilang disbursement account.
Pinapayuhan din ang mga miyembro na magtungo sa SSS branches para i-follow-up ang kanilang application sa disbursement account.