Isinulong ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maging miyembro ng Social Security System (SSS) ang libo-libong opisyal ng mga barangay ng hindi nagbabayad ng premium upang magkaroon sila ng lifetime insurance at pensyon.
Inianunsyo ito ni Romualdez sa kanyang pagdalo sa National Congress sa World Trade Center ng mga miyembro ng Liga ng Mga Barangay.
Ayon kay Speaker Romualdez, nakausap na niya ang president ng SSS kaugnay ng kanyang adbokasiya na magkaroon ng pension fund ang mga barangay officials at masakop ang mga ito ng life insurance at lifetime pension.
Dagdag pa ni Romualdez, isinusulong din sa Kamara ang panukala na gawing anim na taon ang termino ng mga opisyal ng barangay mula sa kasalukuyang tatlong taon.
Kaugnay nito ay binanggit ni Romualdez na inihahanda na rin ng Kamara ang pagpasa sa isang Magna Carta for Barangays.