
May aasahang dagdag-pensyon mula sa Social Security System (SSS) ang mga manggagawa sa pribadong sektor.
Simula sa Setyembre, sampung porsiyento kada taon ang itataas sa pensyon ng mga retirado at disability pensioners na ipatutupad ng SSS hanggang 2027.
Habang 5% increase naman para sa death at survivor pensioners.
Ang isa pang good news: walang dagdag-singil sa kontribusyon sa kabila ng dagdag-pensyon.
Tiniyak naman ng SSS na bahagyang pagbaba lamang sa fund life ang magiging epekto ng ipatutupad na reporma dahil mababalanse naman ito ng pinalakas na pangongolekta ng kontribusyon.
Nasa mahigit 3.8 milyong pensioners ang makikinabang sa reporma.
Facebook Comments









