SSS pensioners, maaari nang makautang ng hanggang ₱200,000

Maaari na ngayong makautang sa Social Security System ang may 1.5 million retiree-pensioners ng hanggang ₱200,000 sa ilalim ng enhanced Pension Loan Program.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, ang enhanced guidelines sa  PLP alinsunod sa Social Security Commission (SSC) Resolution No. 429-s.2019 ay layong mabigyan ng kaukulang  financial assistance ang mga qualified retiree pensioners.

Ang mga qualified sa ilalim ng guidelines ay mga retiree pensioners na may  85 gulang pababa sa huling loan repayment term kung walang dating utang sa SSS o benefit overpayment payable sa SSS mula sa kanyang monthly pension.


Dapat ding walang existing advance pension ang mga pensioner sa ilalim ng SSS calamity package at tumatanggap ng kanyang  regular monthly pension ng halos isang buwan o may “active” pension status.

Ang repayment term para dito ay maaaring 6, 12 o 24 months na may first monthly amortization na magdu-due sa ikalawang buwan makaraang maaprubahan ang utang sa ilalim ng PLP.

Facebook Comments