Pinag-aaralan ng Social Security System (SSS) ang posibleng pagbuo ng special contribution table para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa pahayag ng ahensya, sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Rolando Macasaet na makikipagtulungan sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magkaroon ng coverage na naka disenyo sa 4Ps beneficiaries.
Sinabi ni Macasaet na ang kontribusyon ay iaaayon sa kakayahan ng 4Ps beneficiary.
Ayon pa kay Macasaet, sa ngayon ay ₱570 ang minimum monthly contribution na maaaring mataas pa rin para sa mahihirap na benepisyaryo.
Sinabi ng SSS president na makikipag-ugnayan din sila sa mga kumpanya na handang mag-sponsor sa kontribusyon ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng kanilang corporate social responsibility programs.