SSS, pinagsusumite na ng ACOP ang mga retired pensioner para sa buwan ng Hulyo

Hinimok ng Social Security System (SSS) ang mga pensioner na nakatakda para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program ngayong Hulyo na magsumite na ng kanilang compliance bago matapos ang buwan.

Gumawa ng paalala ang SSS upang masiguro ang tuloy-tuloy na pagtanggap ng pension ng mga pensioner.

Obligado na magsumite ng ACOP reply form at iba pang dokumento ang mga pensioner na nakatira sa ibang bansa, total disability pensioners, death survivorship pensioners, at dependent children’s under guardianship.


Paalala ng SSS, kailangan ding mag-comply sa ACOP Program ang mga retirement pensioner na nakatira sa Pilipinas na may edad 80 taong gulang pataas.

Ang retirement pensioners na death survivorship pensioners ay kailangan ding magsumite ng dalawang hiwalay na ACOP reply forms sa SSS.

Dagdag pa ng SSS, para maiwasan ang suspensyon ng pension ay dapat ugaliing magsumite ng ACOP tuwing birth month ang mga benepisyaryo.

Facebook Comments