SSS, pinalalakas na ang retirement at savings ng kanilang mga miyembro

Inanunsyo ng Social Security System o SSS na maaari nang palakasin ang retirement at savings ng kanilang mga miyembro sa pamamagitan ng MySSS Pension Booster Program, na maaring makapagbigay ng 7.2% na taunang return rate.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, na kanila nang pinalitan ng MySSS Pension Booster ang dating tinatawag na Workers Investment and Savings Program o WISP ag WISP Plus.

Layon nito na mabigyang diin ang pangunahing hangarin ng programa na lalong mapatatag ang Retirement Funds.


Paliwanag ni Macasaet na bahagi ang MySSS Pension Booster savings schemes sa mga reporma na nakapaloob sa Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 na inisponsor sa senado na dating senator at ngayo’y Finance Sec. Ralph Recto, at siya ring Chairman ng Social Security Commission, ang pinakamakapangyarihang governing body ng SSS.

Iginiit din ni Macasaet ang kahalagahan ng Early Retirement Planning kasabay ng ginanap na Relaunching event kahapon ng MySSS Pension Booster sa Punong tanggapan ng ahensya sa Quezon City.

Facebook Comments