SSS, pinalawak ang kanilang pension loan program

Pinalawak ng Social Security System (SSS) ang pension loan program nito.

Ayon kay SSS Executive Vice President for Investments Sector Rizaldy Capulong – sa ilalim ng enhanced pension loan program, pwede nang humiram ng hanggang ₱200,000 ang mga pensiyonado.

Mula sa dating isang taon, pwede nang bayaran ng hanggang dalawang taon at itinaas din ng SSS hanggang 85 years old ang pinakamatandang pensioner na pwedeng humiram.


Facebook Comments