SSS, pinalawak pa ang payment channels sa mga pensioners at borrowers

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na pinalawak pa nila ang kanilang mga payment channels upang makuha ng mga pensioners at borrowers ang kanilang pera sa pamamagitan ng electronic wallet o di kaya ay sa remittance center.

Sinabi ni SSS President at CEO Aurora Ignacio na ang pinahusay na disbursement process para sa benepisyo at short-term loan ay ipinatupad matapos makipag-partner ang SSS sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Dahil dito maaari nang matanggap ng SSS qualified employers, members, at pensioners ang kanilang benepisyo at loan proceeds sa PESONet participating banks.


Maaari ring makuha ng mga pensioners ang kanilang benefits sa e-wallets tulad ng PayMaya o cash pick-up arrangement sa DBP Cash Padala sa remittance transfer company/cash payout outlet na M. Lhuillier.

Simula ngayong October, ipapadaan na rin ng SSS sa bagong sistema ang paglalabas ng monthly pensions .

Hinimok na ng SSS ang mga qualified payees at member-borrowers na iparehistro ang kanilang disbursement accounts sa pamamagitan ng bank enrollment module na makikita sa ilalim ng E-services tab ng kanilang My.SSS accounts sa SSS website (www.sss.gov.ph).

Facebook Comments