Plano ng Social Security System (SSS) na lagyan ng mga solar panel ang kanliang mga opisina.
Ayon kay SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet, na sa nasabing hakbang ay para makatipid ang kanilang ahensiya sa gastusin sa kuryente.
Paraan din aniya ito sa pagsulong nila ng mga renewable energy.
Target nito na unahin sa kanilang main office sa Quezon City kung saan mayroong 445 solar panels na may kapasidad na 200 kilowatts-peak (kWp) ang ilalagay.
Kapag nailagay na ito sa kanilang main office ay isusunod nilang lagyan ang mga iba’t ibang sangay ng SSS sa buong bansa.
Facebook Comments