SSS president, nagbitiw sa puwesto

Pormal na nagsumite  ng kanyang irrevocable resignation si Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer (CEO) Rolando Ledesma Macasaet.

Kahapon nag-sumite ng letter of resignation sa Office of the President si Macasaet.

Sinabi ni Macasaet na magre-resign na siya sa pwesto dahil sa kanyang nakatakdang paghahain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) bilang party-list nominee sa darating na October 6.


Tinanggap naman ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang kaniyang pagbibitiw.

Facebook Comments