Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Social Security System na seryoso ang ahensiya sa kanilang kampanya tungkol sa mga employer na hindi nagre-remit ng kontribusyon sa kani-kanilang mga empleyado.
Ayon kay SSS Assistant Vice President for Media Affairs Maria Loue Sebastian, tuloy-tuloy ang kanilang gagawing Oplan Tokhang laban sa mga delinquent employers na hindi sumusunod sa mga kautusan ng ahensya.
Magsasagawa muna ng press briefing ang mga opisyal ng SSS upang ilatag ang mga panuntunan ng kanilang gagawing Oplan Tokhang para sa mga abusadong employer na hindi nagre-remit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Nagbabala si Sebastian sa lahat ng mga employer na hindi tatalima sa kautusan ng SSS na mayroong kaakibat na penalty at posibleng pagkakulong at pagkasara sa kanilang mga tanggapan kung magpapatuloy pa rin na magmamatigas at hindi magre-remit ng kontribusyon sa kanilang mga manggagawa.
DZXL558