Inumpisahan na ng Social Security System (SSS) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa calamity loan.
Maaaring mag-avail ng calamity loan ang mga miyembrong nakahulog na ng 36 na buwan kung saan ang huling anim na buwan ay updated.
Pero paglilinaw ni SSS Spokesperson Fernan Nicolas, online lamang ang magiging application sa pamamagitan ng kanilang official website.
Hindi tatanggapin ang mga walk-in applicants.
Maaaring umabot ng hanggang ₱20,000 ang pwedeng makuha ng kada miyembro.
Pinalawig din ng SSS ang deadline sa pagbabayad ng naipong kontribusyon noong lockdown hanggang sa katapusan ng buwan.
Nagpaalala rin ang SSS sa mga senior citizens o pensioner na hindi na kailangang pumunta sa kanilang tanggapan lalo na kung mayroon silang isyu sa retirement at pension.