Nasa proseso na ng digitalization ang Social Security System (SSS) upang mapagbuti ang kanilang serbisyo.
Ito ay matapos mapuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang SSS at apat na iba pang ahensya na kailangang pabilisin pa ang kanilang transaksyon.
Ayon kay SSS President and CEO Aurora Ignacio – nagsimula nang mag-acquire ang pension fund ng bagong digital infrastructure para pabilisin ang full transition ng SSS core at business processes.
Sa ngayon ang SSS online services ay online applications para sa SSS number, issuance, payment reference number inquiry at generation employment report submission, submission ng contribution at loan collection lists, salary loan applications, certification ng salary loan applications at filing ng maternity at sickness notification.
Ang iba pang electronic channels ng SSS ay my.sss, sss mobile app, self-service express terminal, interactive voice response system at text-sss.