SSupt. Octavio bagong Cotabato City Director

Itinalagang bagong City PPNP Director si SSUPT Rolly Octavio. Isinagawa ang ang turn over of command matapos ang City Peace and Order Council Meeting kahapon sa SouthSeas Convention Hall.
Si SSupt Octavio ay nagmula sa Region 12 Headquarters at nadestino na rin noong 1994 sa syudad.
Pinalitan ni SSupt Octavio si SSupt Victor Valencia na sinabing nakatakdang mapopromote at maitatalaga sa mas mataas na posisyon.
Kasabay ng pag upo bilang bagong CD , 120 na mga pulis ang itinalaga sa syudad bilang augmentation sa City PNP.
Nangako naman si SSupt Octavio na gagawin ang lahat para maipagpatuloy ang mga nasimulang inisyatiba ng mga naunang CD kasabay ng panawagan sa publiko ng pagtutulungan para sa kapulisan. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments