
Nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang De La Salle-College of Saint Benilde sa Taft Avenue, Malate sa Maynila matapos kumalat ang mensahe na may banta umano ng school shooting.
Ito ay matapos isang estudyante ang magpadala ng mensahe na huwag muma pumasok bukas at may mga nabanggit pa tungkol sa pamamaril sa loob ng paaralan.
Dahil dito, agad na nag-report sa school officials si Deputy Director Mark Henry Lapuebla ng St. Benilde.
Kabilang sa mga hakbang sa mas mahigpit na seguridad ang pagdedeploy ng K9 dogs, paggamit ng metal detector at X-ray para masigurong ligtas ang lahat ng pumapasok at lumalabas ng campus.
Tiniyak naman ng school officials na ligtas ang paaralan at kontrolado na ang sitwasyon.
Sinuspinde rin ang menor de edad na estudyanteng sangkot habang sinabi ni Police Lt. Col. Jolly Soriano, commander ng Malate Police Station na maaari ring magsampa ng reklamo ang paaralan laban sa estudyante.









