St. Lukes Medical Center Global City, kinumpirma na may pasyenteng dinala sa kanilang ospital na positibo sa COVID-19

Kinumpirma ng St. Luke’s Medical Center-Global City sa Taguig na mayroong pasyente na dinala sa kanilang ospital na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Batay sa inilabas na public announcement ng St. Luke’s Medical Center-Global City, agad na na-identify, na-screen at na-isolate ang lalaking pasyente sa isolation room sa labas ng emergency wing ng ospital.

Agad na inayos ng Department of Health ang paglipat ng pasyente sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.


Pagtitiyak ng pamunuan ng St. Lukes, nalimitihan ang exposure ng pasyente kung saan hindi ito nakapasok sa main hospital at main emergency room.

Nakahanda rin ang pamunuan ng St. Lukes sa paghawak ng mga ganitong kaso.

Samantala, kasunod naman ng pagkumpirma ng kumpanyang Deloitte na isa sa kanilang empleyado sa Bonifacio Global City, Taguig ang nagpositibo sa COVID-19, tiniyak ngayon ng pamunuan ng Bonifacio Global City ang closely coordination sa management ng Neo Buildings, Lokal na Pamahalaan ng Taguig at DOH para matiyak na masunod ang mga ipinatutupad na protocols.

Ang kalusugan at safety aniya ng mga BGCitizens ang top priority ngayon.

Para sa anumang concerns, maaaring kontakin ang BGC Emergency Hotline na 0917-844-help

 

Facebook Comments