Nag-abiso ang St. Lukes Medical Center na ‘di muna ito tatanggap ng mga pasyente na may sintomas ng COVID-19.
Ito’y matapos umabot na sa full capacity ang kanilang COVID ward at Critical Care Units sa kanilang sangay sa Bonifacio Global City sa Taguig at sa Quezon City.
Ito’y sa harap na rin na may mga pasyente pa rin na nag-aantay na may mabakante sa emergency rooms.
Nakapaskil sa harap ng ospital ang public advisory na pinapayuhan ang mga may sintomas ng COVID-19 at iba pang nangangailangan ng agarang atensyong medikal na ikonsidera na muna na maghanap ng ibang pagamutan.
Nangako naman ang pagamutan na maglalabas ito ng advisory sa sandaling mayroong pagbabago.
Apela ng St. Lukes Medical Center sa publiko, panatilihin ang pagsunod sa health protocols upang maiwasang kumalat ang COVID-19.