Idineklara bilang isang ganap na archdiocesan shrine ang St. Vincent Ferrer Parish Church sa Bayambang kasabay ng kapistahan nito noong Sabado, April 5.
Pinangunahan ni Archbishop Socrates Villegas ang prusisyon at misa ng proklamasyon ng simbahan na dinaluhan ng libo-libong residente at deboto.
Sa kanyang mensahe, inilatag ni Villegas na dahilan ng pag-angat ng estado ng simbahan ang pagiging sinauna, kagandahan at mga deboto.
Bilang isang shrine, magsasagawa ng blessing of the sick at visitation kada buwan maging ang regular na charity programs sa ngalan ng patron.
Ang Sanctuario de San Vicente Ferrer na namamayagpag sa loob ng higit apat na raang taon ay patuloy na binibisita ng mga deboto sa Pangasinan dahil na rin sa Guinness World Record na may pinakamataas na bamboo structure sa buong mundo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨