Sta. Cruz Parish sa Maynila, itinalaga ni Pope Francis bilang Minor Basilica

Inaprubahan ni Pope Francis ang pagtatalaga sa Sta. Cruz Parish sa Maynila bilang isang Minor Basilica.

Ang naturang parokya ay isa as pinakamatandang simbahan sa Maynila at isa sa 25 simbahan lamang sa buong bansa na nakatanggap ng ganitong pagkilala.

Ang pagtatalaga bilang Minor Basilica ay iginagawad sa isang lugar batay sa kahalagahan nito sa kasaysayan, architectural at spiritual.


Simbulo rin ito ng mas malapit na relasyon ng simbahan sa Santo Papa.

Itinayo ang simbahan noong 1619 ng mga paring Heswita.

Wala pang petsa kung kailan ang pormal na deklarasyon para tawagin itong Minor Basilica of Our Lady of the Pillar.

Facebook Comments