Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na ang Alaska Rookie na si Jeron Teng kaugnay sa stabbing incident na kinasangkutan niya kasama ang kaniyang mga kaibigan, noong nakaraang weekend.
Sa twitter post ni teng, nagpakita ito ng larawan niya habang nasa ospital, kung saan kita ang mga dugo sa unan na kaniyang hinigaan.
Bagaman at wala pang katiyakan kung kailan siya makakabalik sa paglalaro, siniguro ni Teng sa mga tagasuporta nito na unti-unti na siyang nakaka-recover at nakauwi na rin siya sa kanilang bahay.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Alaska Rookie sa kaniyang mga taga suporta na nagdasal para sa agaran niyang pag galing.
Matatandaang noong Linggo, nasa isang bar sa BGC, Taguig si Teng kasama ang mga dating teammate sa La Salle, nang magganap ang girian sa pagitan nila at ng isa pang grupo ng kalalakihan, na di kalaunan ay nauwi sa pananaksak sa basketbolista.