STABBING INCIDENT | Lalaki, pinagsasaksak ng lasing sa Navotas

Navotas City – Sugatan ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin ng nakaalitna nito sa Barangay NBBS, Navotas City.

Dalawang saksak sa tagiliran at isa sa dibdib ang tinamo ng biktimang si Christopher David na stable na ang kondisyon habang nasa Tondo General Hospital.

Nadakip naman ang lasing na suspek na si Eddie Maat na duguan din ang mukha matapos masuntok ng biktima.


Nabatid na nagkasagutan ang dalawa matapos maningil ang suspek hinggil sa isinanlang kwarto ng biktima kung saan nauwi sa panananaksak ang insidente.

Facebook Comments