Staff ng Kongresista, nasawi sa COVID-19

Kinumpirma ng Kamara na nasawi ngayong umaga sa COVID-19 ang isang chief of staff ng kongresista.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, 65 taong gulang ang staff na mayroong health conditions.

Sinabi nitong walang history ng byahe sa abroad na may COVID-19 at wala ring exposure sa coronavirus case ang nasabing staff.


Huli aniyang pumasok ito noong March 4 at dumalo pa sa isang kasal sa Cavite noong March 7.

March 10 naman nang isugod ito sa pagamutan dahil sa lagnat pero pinauwi pa ng tahanan dahil normal naman ang pinakita nito sa test.

Kinabukasan, March 11 ay dito na nagsimula ang dry cough at tuluy tuloy na mataas na lagnat, March 13 nang muli itong isugod sa ospital.

Nito lamang March 15 isinailalim sa test ang pasyente na ikinunsiderang Person Under Investigation (PUI) at ngayong araw lamang lumabas ang resulta.

Nagpaabot naman ng dasal at pakikiramay ang Mababang Kapulungan sa pamilya ng nasawing kasamahan.

Facebook Comments