Staff ni Senador Risa Hontiveros, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang Chief Legislative Officer ni Senadora Risa Hontiveros.

Sa inilabas na pahayag ng senador, sinabi nitong nagpositibo sa sakit si Atty. Jaye Dela Criz-Bekema limang araw matapos makunan sa ika-18 linggong pagbubuntis nito noong April 25.

Simula March 9 ay hindi na niya nakasama si Atty. Bekema.


Naka-home quarantine ang abogado simula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at hindi na nakasama si Hontiveros simula March 9.

Tiniyak naman ng senadora na tumatalima ang abogado sa mga guidelines ng Department of Health (DOH) para sa Home-Based COVID-19 Management.

Facebook Comments