Stage sa Quirino Grandstand, nakahanda na para sa 3 araw na malawakang rally kontra korapsyon

Nakahanda na ang entablado sa Quirino Grandstand na gagamitin ng mga magtatalumpati at ng mga magtatanghal sa tatlong araw na malawakang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) kontra korapsyon na magsisimula sa Linggo, November 16.

May inilagay na malalaking LED wall sa magkabilaang bahagi ng stage upang makita ng mga kaanib ng INC na nasa open field ang isasagawang programa.

Naka set-up na rin ang isang malaking tent kung saan mananatili ang mga VIP at mga bisita na makikibahagi sa aktibidad.

Naka set-up na rin ang mga scaffolding sa open field na paglalagyan ng malalaking camera.

Nakalatag na rin ang mga tent na laan para sa rescue at security unit ng Iglesia.

Sa mga railing naman ay nakasabit ang mga malalaking karatula na may mga mensahe na nagsasaad ng kawikaang “mga pinuno ng bayan sumisira ng bayan” at “pera ng bayan ibalik; mga kurakot, ipiit”.

Kagabi, nakakalat ang mga security personnel ng INC na nagbabantay sa paligid ng Quirino Grandstand.

Sa unang araw, magkakaroon ng freedom march mula Plaza Salamanca, Kalaw Avenue corner Taft Avenue

Magsisimula naman nag mga programa sa Quirino Grandstand bandang 4pm ng November 16.

Facebook Comments