Maglalabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng isang circular kung saan hinihikayat ang mga kumpanya na magpatupad ng staggered shift sa trabaho para makontrol ang demand sa public transport.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nasa 95% ng business sectors ang pinapayagan nang magbalik operasyon.
Sa ilalim ng staggered shifts, magkakaiba ang services hours o pasok ng mga empleyado.
Mahalagang magkakaiba ang pasok ng mga manggagawa para maikalat ang dami ng mga bumibiyahe at papasok sa kanilang trabaho.
Gayumpaman, hinihikayat pa rin ng DTI ang pagpapatupad ng work-from-home arrangements.
Facebook Comments