Stand-up comedian na si Hans Mortel, pumanaw na

Pumanaw na ang stand-up comedian na si Hans Mortel kahapon, July 14.

Si Hans ay na-discover ng TV host-comedian na si Vice Ganda at naging co-host noon ni Amy Perez sa TV5.

Mismong ang kapatid ni Hans ang nagkumpirma sa pagpanaw ng comedian sa pamamagitan ng Facebook.


Ayon kay Jean Mortel Chupungco, tatlong buwang nakipaglaban si Hans sa sakit na pneumonia at immunocompromised pero hindi na rin nito nakayanan pa ang medikasyon.

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa Twitter ang dating kasamahan ni Hans sa showbiz industry.

Facebook Comments