Baguio, Philippines – Ang lungsod ay magpapataw ng isang standard leveled up na disenyopara sa mga establisyimento sa kahabaan ng Highway at mga barangay na magsisimulasa taong 2020.
Ani ni mayor Benjamin Magalong, ito ay para “maitaasang antas ng pamantayan ng mg negosyo sa tuntunin ng kaayusan, kalinisan,angkop na mga plano ng gusali sa pagsunod ng lungsod ng pagtataguyod ngkalusugan at kaligtasan.” Sinabi niya ps na ang disenyo ay dapat angkop sareputasyon ng lunsod bilang “Highly Urbanized City, UNESCO’s Creative City,Summer Capital ng Pilipinas, at Education Center ng hilaga at destinasyon ngturista.”
Kasama sa usapin ayang eateries, maliit na talipapa, prutasan at gulayan na nakatayo sa lupa nggobyerno, kahabaan ng Marcos Highway, Governor’s Pack Road, Engineer’s Hill, Camp7, at iba pa. Ang disenyo ay nanggaling sa City Building and Architecture Offico (CBAO) bilang gabay para sa mga negosyante.
Ang alkalde ay nagbigay ng direktiba sa mga apektadongmay-ari ng negosyo upang isumite sa CBAO ang kanilang mga building plan nasinusundan ang prototype design and floor plan na angkop sa kanilang linya ngnegosyo para sa pag-apruba ng mga CBAO.
Ang mga nasa pribadong lote maraming ay hinilingangmagsumite ng kanilang mga plano na angkop sa linya ng kanilang negosyo para sapagrepaso at pag-apruba ng CBAO. “Ang mga aplikasyon para sa bagongbusiness permit at renewals sa taon 2020 ay sasailalim sa mga pamantayan ng mganasabing direktiba. Nagbabala si mayorMagalong na hindi mabibigyan ng permitang hindi susunod sa bagong patakaran. Kasamasa direktiba na ang mga establishments ay dapat obserbahan ang mga pamantayanng kalinisan sa loob ng kanilang lugar sa lahat ng oras.
iDOL, maganda ba ang mga bagong patakaran ni Mayor Magalong? ano sa tingin nyo?
Story by: Aileen Refuerzo
Photo by: Public Information Office – City of Baguio