STANDARD | Mahigit 400 oil players sa Batangas, ininspeksyon ng DOE

Batangas – Upang matiyak na sumusunod ang mga oil players sa safety, quality and quantity standards, ininspeksyon ang mga ito ng isa-isa ng Department of Energy (DOE).

Pinangunahan ang ininspeksyon ng Oil Industry Management Bureau Retail Market Monitoring and Special Concerns Division at sinuri ang 442 oil players sa 30 bayan sa probinsya ng Batangas mula July 9 hanggang 13.

Partikular na isinagawa ang focused inspection sa ibat-ibang oil players sa Batangas upang mabatid kung nakakatalima ang petroleum products tulad ng liquid fuels at liquefied petroleum gas na ibinebenta sa merkado sa international and national standards on quality and quantity.


Sa nasabing inspeksyon, 198 gas stations ang nakitang may paglabag sa “Revised Retail Rules,” habang 156 LPG establishments ang natuklasang hindi tumatalima sa “LPG Industry Rules.”

Kadalasan din aniyang walang Certificate of Compliance ang mga gas stations.

Kapag hindi naisaayos ang mga paglabag ipaghaharap ang mga gas stations ng patung-patong na asunto.

Facebook Comments