Nakalatag na ang standard operating procedure ng pamahalaan kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas.
Sa ambush interview sa Pasig City, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa tuwing may kalamidad ay palagi namang naka-monitor ang mga ahensya ng pamahalaan.
Nababantay rin aniya sila sa sitwasyon sa mga lugar na nangangailangan ng espesyal na atensyon para malaman kung saan pwedeng mag-adjust ang pamahalaan.
Tiniyak din ng Pangulo na naka-monitor ang pamahalaan sa kaligtasan ng mga residente sa lugar.
Oras aniya na makapasok ang pamahalaan sa area ay agad na ililikas na ang mga tao sa danger zone.
Facebook Comments