Standards ng PNP sa trainings, performance at mental fitness ng mga pulis, ipinapasilip ng Kamara

Hiniling ni Marikina Representative Stella Quimbo na silipin ang effectiveness ng polisiya na ipinapatupad ng Philippine National Police (PNP) sa mga trainings at sa pag-evaluate ng performance at mental fitness ng kanilang mga personnel.

Bunsod nito ay naghain ng resolusyon si Quimbo para silipin ang pagkakapaslang ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Mahalaga aniyang matiyak na epektibo ang sistema na ginagamit ng PNP sa pagtiyak ng tactical knowledge at mental fitness ng kanilang mga personnel.


Iginiit ni Quimbo na kailangan nang kumilos ng Kongreso upang mailatag kung anong reporma ang kailangan ipatupad upang matiyak na nasa maayos na pangangatawan at pag-iisip ng lahat ng mga pulis.

Isa rin sa nais ding pag-aralan ng Kamara kung dapat na bang ipagbawal sa mga pulis ang pagbibitbit ng kanilang service firearm kapag hindi naka-duty, katulad nang ipinapatupad sa ibang mga bansa.

Facebook Comments