Standoff sa pagitan ng Vietnam at China sa South China Sea, ikinabahala

Nababahala ang Malacañan sa naiulat na standoff sa pagitan ng Vietnam at China sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – dapat isulong ang mapayapang dayalogo kaysa sa gumamit ng dahas para resolbahin ang agawan sa teritoryo.

Sa panig ng Pilipinas, hindi hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na malagay sa panganib ang buhay ng mga Pilipino at sa halip ay magkaroon ng diplomatic negotiations para ayusin ang gusot sa China.


Iginiit din ni Panelo na ang China ay may “legal” at “constructive possession” sa South China Sea dahil sa kanilang military installations sa lugar.

Aniya, ang China ay may “possession” at “position” sa pinag-aagawang karagatan.

Facebook Comments