Stanley Pringle ng Barangay Ginebra, napabilang sa best player ng PBA bubble season

Napabilang sa best player ng PBA bubble season si Point Guard Stanley Pringle ng Barangay Ginebra.

Sa halip na Most Valuable Player award ay ginawang Best Player of the Conference o BPC award ang league’s 45th season kung saan kabilang sa mga nasa top individual award ay sina:

• Bobby Ray Parks Jr. (TNT)
• Calvin Abueva at Matthew Wright (Phoenix)
• Cj Perez (Terrafirma) at
• Christian Standhardinger (Northport)


Samantala, tuluyan nang kinansela ang UAAP 83rd season ng University Athletic Association of the Philippines dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19.

Sa pahayag ng league organizers, hindi nila isusugal ang kalusugan ng mga mag-aaral kung saan, ito ang unang pagkakataon na kinansela ang nasabing laro mula noong season 8 dahil sa World War II noong 1945.

Una nang kinansela ng UAAP ang mga natitirang laro sa UAAP 82nd dahil sa pandemic.

Facebook Comments