Stanley Pringle, pinangunahan ang panalo ng Ginebra kontra Aces

Hindi na pinaporma ng Barangay Ginebra ang Alaska Aces sa iskor 118-106 sa PBA Commissioner’s Cup.

Bumida ang 27 puntos nina Justin Brownlee at Stanley Pringle at nag-ambag naman ng tig-22 points sina L.A Tenorio at Japeth Aguilar.

Ayon kay Pringle na itinanghal na Best Player of the Game – tutok sila ngayon sa kanilang depensa.


Mabilis din siyang nakapag-adjust sa mga bago niyang kasama.

Mayroon ng 5-4 win-loss record ang Ginebra habang mayroong 4-5 at limang talo ang Aces.

Samantala, sa DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament hindi pinaporma ng RMN Head Office ang DZXL RT Xanthone Plus Team sa kanilang naging bakbakan nitong Sabado.

Tinalo ng RMN Head Office ang DZXL RT Xanthone Plus Team sa score na 113-50.

Nasungkit naman ng Gentle Hands Holistic Wellness Center ang ikalawang sunod na panalo kontra DWWW/iFM, 131-71.

Mapapanood ang sunod na laban sa darating na Sabado (July 6) sa Guadalupe Nuevo Gym kung saan maghaharap sa first game ang DZXL RT Xanthone Plus Team kontra Lunas Kalusugan na susundan naman ng RMN Head Office kontra Gentle Hands Holistic Wellness Center.

Facebook Comments