Star Hotshots, pasok na sa semifinals matapos talunin ang Rain or Shine

Manila, Philippines – Pasok na sa semifinals ng PBA Commissioners Cup ang Star Hotshots matapos talunin ang Rain or Shine sa score na 84-69.

Ayon kay Star Head Coach Chito Victolero, naging positibo lang sila na makukuha nila ang panalo at naniniwala din siyang mababawi ng Hotshots ang titulo bilang kampyeonato sa mga darating nitong laban.

Naging bida sa panalo ng Star ang kanilang import na si Ricardo Ratliffe na nakapagtala ng 26 points, 24 rebounds at limang assists.


Nakapag-ambag naman ng 13 points si Paul Lee habang mayroong 12 points, limang rebounds si Mark Barroca.
Magkakaharap ng Star ang San Miguel Beer para sa best-of-five series.
DZXL558

Facebook Comments