Star hotshots player PJ Simon, magreretiro na nga ba?

PBA – Pinaplano na ni Star Hotshots player PJ Simon na magretiro matapos pumirma lamang ng isang taong kontrata sa nasabing koponan.

Ayon kay Simon, pinag-aaralan niyang mabuti kung kaya pa ng kaniyang katawan kaya isang taon na lang muna ang kaniyang kontrata.

Si Simon ay pang 43rd overall pick noong 2001 draft at dalawang beses na pinangalanang Mr. Quality Minutes at naging mythical second team.


Kabilang rin siya sa nakakuha ng pitong championship ng koponan na kapantay ang teammate na si James Yap.

Facebook Comments