Star Magic, may banta sa mga netizen na namba-bash sa mga anak ng mga artista

32

Nagpahayag na ng pagkabahala ang Star Magic hinggil sa pamba-bash at pagbabanta sa buhay ng mga anak ng kanilang mga artista sa social media.

Batay sa pahayag ng talent management, ang mga ganitong pambabanta at pamba-bash ay isang iresponsable, hindi katanggap-tanggap at walang pusong gawain.


Hindi aniya sila magdadalawang isip na kasuhan ang mga indibidwal na sangkot upang mabigyan ng leksyon.

Nitong nakaraang araw ay una nang pumalag ang aktor na si Carlo Aquino matapos na pagbantaan na sasaktan ang kanyang 7-month-old na baby girl ng isang netizen.

Habang kamakailan ay ininsulto at pinagkatuwaan naman sa social media ang baby nila Janella Salvador at Markus Paterson.

Facebook Comments