Star Wars coke bottles, ipinagbawal sa mga eroplano sa US

Ipinagbawal ipasok sa mga eroplano ang mga bote ng Coke na may tema ng sikat na space-action media franchise na “Star Wars.”

Ayon sa Transport Security Administration, ang Star Wars coke bottles ay kahugis kasi at tila replika pa ng granada na bawal sa carry-on o checked luggage.

Sabi ng isang Disney executive, ang mga bote ay kamukha ng fictional explosive device o tinatawag na “thermal detonator” na ipinalabas sa pelikulang “The Return of the Jedi.”


Ang mga bote ay nagkakahalaga ng 5.49 dollars o halos 300 piso.

Wala pang opisyal na pahayag ang Disney, maging ang Coca-Cola hinggil dito.

Facebook Comments