
Nakatakdang magtungo si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda sa Masbate ngayong araw.
Ito ay upang magbigay ng kinakailangang suporta sa lalawigan na lubos na sinalanta ng Bagyong Opong.
Ayon sa DICT, ngayong araw din gaganapin ang turnover ng Starlink equipment sa naturang lugar.
Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo na siguruhin ang maaasahang komunikasyon kahit sa panahon ng sakuna.
Samantala, bibisita rin ang DICT sa Masbate Provincial Office upang inspeksyunin ang mga libreng charging sites at WiFi connectivity, at sa Masbate Provincial Hospital na konektado na sa pamamagitan ng Starlink.
Tiniyak naman ng DICT na magpapatuloy ito sa pagbibigay ng emergency communications support upang hindi mapatid ang linya ng komunikasyon sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.









