State Conference on the United Nations Convention Against Corruption, gaganapin sa Malacañang ngayong araw

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika- limang State Conference on the United Nations Convention Against Corruption ngayong araw.

Ito ay gaganapin sa Malacañang mamayang alas-11:00 nang umaga.

Ang UN Convention Against Corruption ay layong palakasin ang kamalayan, magbahagi ng mga karanasan, at pag-usapan ang mga hakbang na kinakailangan para labanan ang kurapsyon alinsunod sa pandaigdigang kasunduan.


Inaasahang tatalakayin ang pagsusuri sa implementasyon ng mga rekomendasyon na may kinalaman sa pagpapalakas ng batas laban sa korupsiyon, pagbuo ng transparency, at pagpapanagot sa mga opisyal na sangkot dito.

Magpapalitan din ng best practices ang mga delegado ng kanilang mga hakbang pagsugpo sa kurapsyon.

Facebook Comments