“State of Basic Education”, ilulunsad ng DepEd sa unang kwarter ng 2023

“State of Basic Education”, ilulunsad ng DepEd sa unang kwarter ng 2023

Inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara-Duterte Carpio na maglulunsad ang Department of Education (DepEd) ng “State of Basic Education” sa unang kwarter ng 2023.

Ayon kay VP Duterte, layon nito na matukoy ang direksyon at ang mga dapat tugunan pa sa sektor ng edukasyon sa bansa.


Sesentro aniya sa gaganapin na “State of Basic Education” ang innovations at pagpapataas ng kalidad ng mga guro na ipapatupad ng DepEd sa susunod na apat na taon.

Sinabi pa ni VP Duterte na target ng ahensya na isailalim sa re-skilling ang mga guro upang mapalakas ang instructional leadership at supervision.

Prayoridad din aniya na matulungan ang mga mag-aaral na nasa disadvantage position upang solusyon sa learning gaps at education access.

Facebook Comments