STATE OF CALAMITY | Aktibidad ng bulkang Mayon, pahirapan ang pagmo-monitor dahil sa makakapal na ulap

Manila, Philippines – Pahirapan ang pagmo-monitor sa aktibidad ng bulkang Mayon.

Sa interview ng RMN kay Albay Public Safety and Emergency Management Office Head Cedrick Daep – nakadepende lang sila ngayon sa kanilang mga instrumento dahil hindi gaano nakikita ang bulkan na binabalutan ng makakapal na ulap.

Kabilang sa dapat nilang bantayan ay ang pyroclastic flow o yung bumubulusok na ash cloud at ang paglalabas ng lava.


Sinabi rin Daep, bukod sa banta ng bulkan, binabantayan din ang mga posibleng pagguho ng lupa at lahar flow bunsod ng mga pag-uulan.

Nasa higit 30,000 residente na ang lumikas na pawang mga residenteng nakatira sa seven kilometer permanent danger zone.

Sa ngayon, nasa ilalim na ng state of calamity ang buong lalawigan ng Albay habang nanatiling sa alert level 3 ang sitwasyon.

Facebook Comments