Palalawigin pa ng tatlong buwan ang state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic na magtatapos ngayong araw.
Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa press briefing sa Malakanyang.
Ayon kay Angeles, layunin ng pagpapalawig ng state of calamity ay para tuloy-tuloy ang benepisyo o compensation na natatatangap ng bansa.
Maging ang emergency procurement at pagbibigay ng Special Risk Allowance (SRA) ng healthcare workers ay magtutuloy-tuloy rin sa pagpapalawig ng state of calamity.
Matatandaang September 13, 2020 nang unang magdeklara si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity dahil sa pandemya.
Facebook Comments