Cotabato City, Philippines – Dalawampu’t apat (24) na barangay sa Cotabato City ang ipinadedeklara na sa state of calamity.
Limang araw na kasing lubog sa baha ang lugar dahil sa walang tigil na pag-ulan at pag-apaw ng ilog.
Ayon kay Mayor Cynthia Guiani – sa Martes, magpapasa sila ng resolusyon para hilinging isailalim sa state of calamity ang mga barangay ng:
Mother poblacion;
Poblacion 1;
Poblacion 2;
Poblacion 3;
Poblacion 7;
Poblacion 8;
Poblacion 9;
Rosary heights 2;
Rosary heights 3;
Rosary heights 5;
Rosary heights 6;
Rosary heights 7;
Rosary heights 8;
Rosary heights 9;
Mother Tamontaka;
Tamontaka 1;
Tamontaka 2;
Tamontaka 3;
Tamontaka 4;
Tamontaka 5;
Barangay Bagua;
Bagua 2;
Bagua 3;
at Kalanganan 1.
Ipinag-utos na rin ng alkalde ang pagpapalikas sa halos 1,000 pamilya na nakatira malapit sa mga ilog.
Base sa tala ng City Agriculture Office, pumalo na sa limang milyong piso ang halaga ng mga nasirang pananim dahil sa pagbaha.
Posibleng abutin pa ng dalawang linggo bago tuluyang humupa ang baha sa mga apektadong lugar.