Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Gandara sa lalawigan ng Samar bunsod na rin ng malawakang pagbaha dulot ng mga pag-ulan.
Ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Gandara ang isang resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity at inaprubahan ito ni Gandara Mayor Warren Aguilar.
Ginawa ang nasabing resolusyon matapos bahain ang mga mabababang barangay sa nasabing bayan partikular na iyong mga lugar na malapit sa ilog.
Batay sa ulat ng Gandara Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, kinailangang ilikas na ang mga residente sa nabanggit na lugar dahil sa malakas na pag-ulang dala ng binabantayang Low Pressure Area o LPA.
Nagresulta ito sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa na nag-iwan ng malaking pinsala sa sektor ng agrikultura.