Nagdeklara na ng state of calamity sa buong lalawigan ng Cagayan matapos ang pananalasa ng bagyong Tisoy.
Sa ngayong, maraming bayan pa rin sa Cagayan ang lubog sa baha dahil sa patuloy na pag-ulan.
Nasa 10,000 hanggang 15,000 pamilya rin ang inilikas.
Kaugnay nito, umapela ng tulong si Cagayan Governor Manuel Mamba kasunod ng pinsalang idinulot ng bagyo sa kanilang mga pananim at imprastraktura.
Samantala, kahit nakalabas na ng bansa ang bagyong Tisoy, mananatiling naka-blue alert ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ito ay para matiyak ang mabilis na pagresponde sakaling may mga biglaang insidente sa nagpapatuloy na SEA Games.
Facebook Comments