Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Caraga sa Davao Oriental dahil sa cholera outbreak.
Sa huling datos ng provincial government, aabot na sa 544 ang cholera cases sa lugar kung saan anim na ang namatay.
Sa nasabing bilang halos 300 pa ang naka-confine sa evacuation center na ginawang makeshift hospital.
Ikinabahala naman ng Municipal Health Office ang ulat na may mga karatig na barangay na ng Barangay Santiago ang tinamaan na rin ng cholera.
Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III, na ginagawa nila ang lahat katuwang ang Provincial Health Office (PHO) at ang local government unit para maputol ang hawaan ng sakit.
Facebook Comments