Manila, Philippines – Sinailalim na sa state of calamity ang buong lungsod ng Marawi kasunod ng nagpapatuloy na bakbakan ng teroristang grupong Maute at ng Militar.
Ang deklarasyon ay mismong kinumpirma ni Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra.
Sa ilalim nito, gagamitin ng lokal na pamahalaan ang kanilang calamity funds para sa mga apektadong residente.
Umiiral na rin ngayon ang price freeze sa lungsod, maging ang buong Mindanao.
Kasabay nito, nilinaw ni Dept. Of Trade and Industry Usec.Teodoro Pascua na iiral ang price freeze 60-days para sa mga basic commodities habang 15-days naman sa produktong petrolyo.
Sinabi ni Pascua na hindi pa naman apektado ang negosyo sa Mindanao kahit umiiral ang martial law.
DZXL558
Facebook Comments