Alinsunod ang deklarasyon sa Resolution No. 191-2022 na napagdesisyunan ng Sangguniang Bayan Members.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, malaki ang iniwang pinsala ng bagyo sa mga ari-arian at maraming mga residente ang naapektuhan ng pagbaha dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan noong kasagsagan ng bagyo.
Batay sa inisyal na datos, nasa P59,620,000 ang halaga ng nasirang imprastraktura; P579,150 sa palay at P100,530 sa iba pang uri ng crops.
Mayroon ring 203 na pamilya na binubuo ng 3,616 indibidwal ang apektado ng pagbaha sa bayan.
Dalawang bahay ang naitalang totally-damaged at may 51 naman na bahagyang nasira.
Una nang isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Sta. Ana, Cagayan kung saan umabot sa mahigit siyam na milyon ang naitalang iniwan na pinsala sa mga ari-arian.