Isinailalim na sa State of Calamity ang buong probinsya ng Isabela dahil sa pinsala ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay Isabela Gov. Rodito Albano, tinatayang 26,000 pamilya ang apektado ng pagbaha sa kanilang probinsya.
Aniya, bagamat nakahanda sila sa posibleng pagbaha, hindi inaasahan ng mga residente na mabilis ang pagtaas ng tubig.
Nabatid na ang Ilagan City, Isabela ang labis na sinalanta ng malawakang pagbaha kung saan nasa 64 na barangay ang lubog sa baha.
Sa kasalukuyang ay patuloy ang isinasagawang rescue operation sa tulong ng Local Government Units katuwang ang Philippine National Police at Philippine Army.
Facebook Comments